Nag-iingat lamang ang Senate impeachment court sa ng paglilitis upang maiwasan ang paratang ng grave abuse of discretion.
Kaugnay ito ng pinagtatalunang conviction threshold sa paglilitis kay Bise Presidente Sara Duterte.
Ayon kay House Impeachment Prosecutor at 1-Rider Party-list Rep. Rodge Gutierrez makikita ang pagiging maingat ng Senado sa kanilang desisyong hingin ang opinyon ng apat na retiradong mahistrado ng Korte Suprema.
Ayon sa amicus curei o friends of court retired Chief Justices Artemio Panganiban at Reynato Puno na bagamat hindi direktang pinapakialaman ng Korte Suprema ang botohan sa impeachment court, maaari pa rin silang pumasok sakaling may maganap na paglabag sa Konstitusyon o grave abuse of discretion.
Gayunpaman, iginiit ni Puno na ang Senate impeachment court ay hindi subordinate o sakop ng Korte Suprema sa paggamit nito ng kapangyarihang mag-impeach na nakasaad sa Artikulo XI ng Saligang Batas.
Inaasahang maghaharap ng kanilang mga pormal na argumento ang prosekusyon at ang depensa ni Duterte sa September 23 bago tuluyang magdesisyon ang impeachment court kung pananatilihin o babaguhin ang 16-vote ruling. | ulat ni Melany Reyes