Photo courtesy of Taguig LGU
Mas pinadali at ginawang mas ligtas para sa mga lolo’t lola sa Lungsod ng Taguig ang paggamit ng makabagong teknolohiya.
Sa ginanap na “Senior Digizen” program noong Setyembre 16 sa Taguig Convention Center, humigit-kumulang 319 na senior citizens ang tinuruang gumamit ng smartphones, online services, at kung paano makakaiwas sa mga online scam.
Sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig at ng Globe Telecom, sumailalim sa pagsasanay ang mga lolo’t lola kung paano mag-register sa mga digital app tulad ng GCash at eGovPH, pati na rin ang pagpapatupad ng “STOP MUNA” safety rule laban sa SMS scams at identity theft.
Ayon sa LGU ng Taguig, layunin ng programa na bigyan ng kumpiyansa at kalayaan ang mga nakatatanda sa gitna ng modernong panahon.