Photo courtesy of Department of Public Works and Highways (DPWH)
Puspusan ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pagpapalaki sa mga drainage sa Metro Manila.
Ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon iniutos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na i-upgrade at palawakin ang holding capacity ng mga drainage sa buong Metro Manila.
Ito ay upang mapabilis ang daloy ng tubig-ulan sa mga kanal at maibsan ang matinding pagbaha sa mga low-lying at flood prone areas.
Sabi ng Pangulo, karamihan sa mga drainage ay panahon pa ng World War II.
Sa ngayon, minamadali na ang 1.3-kilometerong drainage improvement project sa kahabaan ng Sumulong Highway sa Marikina City gamit ang mga 2-meter High-Density Polyethylene (HDPE) pipes, habang tiniyak ng kalihim na palalawakin din ang ibang drainage sa Maynila.