Photo courtesy of Philippine Ports Authority (PPA)
Hindi nagpapatumpik-tumpik ang Philippine Ports Authority (PPA) sa pagkakasa ng mga paghahanda kasunod ng pagsisimula ng “ber” months.
Sa panayam ng Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni PPA Spokesperson Eunice Samonte na inaasahan na nila ang pagsipa ng dami ng pasahero dahil sa papalapit na holiday season.
Kaya naman, naka-alerto at naka-heightened alert na rin ang kanilang pamunuan anumang oras na dumagsa ang mga pasahero.
Naka-posisyon na rin ang kanilang security measures tulad ng mas pinahigpit na inspeksiyon sa pamamagitan ng K9 units at highly-advanced x-ray scanners.
Pagtitiyak pa ng PPA na nakahanda rin silang tugunan ang mga emergency needs ng mga pasahero sakali mang ma-stranded o makansela ang biyahe ng mga ito.