Inaasahan na nasa 144 thousand na pasahero ang dadagsa ngayong araw sa Ninoy Aquino International Airport matapos ang paggunita ng Undas.
Dahil naman dito tuloy-tuloy ang pagdating ng mga pasahero sa terminal at bahagyang humahaba ang pila sa check-in counters sa mga paliparan partikular sa NAIA Terminal 3.
Patuloy ang paalala sa mga pasahero, dumating ng mas maaga sa scheduled flight na kung maari ay tatlong oras bago ang boarding upang makaiwas sa aberya. Maghanda rin sa posibleng mabigat na daloy ng mga sasakyan sa byahe.
Sa ngayon naman masasabing hindi gaanong mas marami ang pasahero ngayong taon kung ikukumpara noong Undas 2025 na nasa 868 thousand pa lang as of November 1. pero inaasahan magtutuloy tuloy pa ang pagdating ng mga pasahero hanggang sa miyerkules o November 4 at posibleng umabot sa 1.2million ang kabuuang bilang ngayong taon. | ulat ni Louisa Erispe