Ang nasabing kasunduan ay likod ng banta ni US President Donald Trump na sasakupin nito ang Greenland dahil sa isyu ng strategic location nito para sa depensa ng Estados Unidos gayundin sa mga Mineral Wealth nito.
Batay sa ulat ng BBC News, kinagalak ng North Atlantic Treaty Organization o NATO ang kasunduan ng dalawang bansa upang matugunan ang security at defense issue ng Greenland.
Kabilang sa napagkasunduan ay walang papahintulutang magkaroon ng presensyang militar o magtayo ng mga maseselang uri ng pamumuhunan sa Greenland ang mga kalaban ng US.
Ayon kay Greenland Prime Minister Jens-Frederik Nielsen ang kasunduan ay magpapalakas sa security ng Artic at North Atlantic habang kinikilala ang soberanya at territorial integrity ng Greenland at ng mga mamamayan nito.