Welcome sa Department of Human Settlements and Urban Development ang paglahok ng malalaking developer sa Expanded 4PH program ng pamahalaan para mapabilis ang pagtatayo ng mga pabahay.
Ayon kay DHSUD Secretary Jose Ramon Aliling, patunay ito ng lumalawak na suporta ng pribadong sektor sa programa.
Pinakahuli rito ang Filinvest Land Inc., na nakipagkasundo sa Pag-IBIG Fund para magbigay ng housing incentives sa mga kwalipikadong miyembro.
Kabilang sa mga benepisyo ang preferential financing rates, discounts at home furniture packages sa piling housing units.
Nauna nang nakipagtulungan sa Pag-IBIG Fund ang SM Development Corp., habang pumasok din sa kasunduan ang Amaia Land at Avida Land. Samantala, committed ang Megawide Construction Corp. na maglaan ng hindi bababa sa 7,000 socialized housing units sa ilalim ng Expanded 4PH.