Hinimok ni Parañaque 2nd District Representative Brian Yamsuan ang mga kapwa mambabatas na pabilisin ang pagpasa ng panukalang Comprehensive School Safety Act matapos ang insidente ng pamamaril sa Banga National High School sa South Cotabato.
Sa ilalim ng House Bill 10864, itatatag ang National Comprehensive School Safety Framework na magtatakda ng standards para sa seguridad ng mga paaralan, kabilang ang infrastructure at security measures.
Kasama rin sa panukala ang learner protection, mental health support, violence prevention at anti-bullying mechanisms.
Sinabi rin ni Yamsuan na makatutulong sa school safety ang panukalang nagpapalakas sa pananagutan ng mga gun owner.
“We urge our colleagues in the House of Representatives to act fast in passing the proposed Comprehensive School Safety Act on our end so that we can soon put in place a system that would protect learners and school personnel from all forms of abuse and violence in and outside our schools,” saad ni Yamsuan
Kasabay nito, iminungkahi rin niya sa mga LGU na gamitin ang bahagi ng kanilang Special Education Fund para sa pagkuha ng security personnel at paglalagay ng CCTV sa mga pampublikong paaralan.
Ayon sa mambabatas, batay sa pag-aaral ng EDCOM 2, umabot sa P15 billion ang hindi nagamit na SEF ng mga LGU mula 2018 hanggang 2022.
Sinabi rin ni Yamsuan na makatutulong sa school safety ang panukalang nagpapalakas sa pananagutan ng mga gun owner.
Giit niya, kailangang magtulungan ang national government at LGUs upang matiyak na ligtas ang mga estudyante at school personnel. “Kailangang magtulungan tayo. Maging ang mga LGUs ay maaring kumilos at maglaan ng pondo para sa hiring ng mga security personnel at paglalalagay ng mga CCTV sa ating mga public schools gamit ang kani-kanilang Special Education Fund…Even just a small portion of the SEF can be used by LGUs to support programs on school safety. Ensuring our schools remain safe and secure is a shared responsibility,” dagdag niya.