Nag-abiso sa mga motorista ang Quezon City LGU kaugnay ng posibleng pagbagal ng trapiko sa paligid ng EDSA People Power Monument ngayong Lunes, September 21, dahil sa isasagawang kilos-protesta ng ilang grupo.
Nag-deploy na rin ng mga tauhan ang Traffic and Transport Management Department (TTMD), Department of Public Order and Safety (DPOS), Task Force Disiplina, at Quezon City Police District (QCPD) para tiyakin ang maayos na daloy ng trapiko at seguridad sa lugar.
Pinapayuhan ang mga motorista na maglaan ng dagdag na oras sa biyahe at gumamit ng mga alternatibong ruta para maiwasan ang inaasahang pagsisikip ng trapiko.
Una nang tiniyak ng QCPD ang seguridad sa ilang key areas kaugnay ng mga aktibidad ngayong September 21.
Kabilang sa mga lugar na may Police deployment ang Welcome Rotonda, People Power Monument, House of Representatives, at Bantayog ng mga Bayani para mapanatili ang peace and order at public safety.
📸 QCPD

