Hinimok ng Department of Agriculture (DA) ang mga overseas Filipino workers na ikonsidera ang agribusiness bilang oportunidad sa negosyo at kabuhayan sa kanilang pag-uwi sa Pilipinas.
Sa isang agribusiness forum na isinagawa sa Seoul, South Korea, ipinakilala ng DA ang mga programa ng pamahalaan para sa financing, training, market linkage at iba pang suporta sa mga nais pumasok sa agrikultura.
Pinangunahan ang aktibidad nina DA Assistant Secretary Genevieve Velicaria-Guevarra at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Patricia Yvonne “PY” Caunan.
Layon ng inisyatiba na magamit ang puhunan, kasanayan, at karanasan ng mga OFW sa pagtatayo ng agribusiness ventures pagbalik nila sa bansa, at mahikayat ang mas maraming kapital at entrepreneurs sa sektor ng agrikultura.
Kaugnay nito, lumagda rin ang DA at OWWA sa isang Memorandum of Agreement para palakasin ang paghahatid ng mga programa at serbisyo sa agrikultura para sa mga OFW.
📸 DA


