Sarado muna ngayong araw, September 21, 2026 ang New Executive Building (NEB) na bahagi ng Malacañang Complex.
Ito ang inihayag ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Dave Gomez dahil na rin sa gagawing pagpapatupad ng standard security protocols.
Nangangahulugan ito na wala na munang face-to-face office work sa New Executive Building kung saan ay bukod sa mga taga-PCO ay doon din nag-oopisina ang mga kawani ng Office of the Cabinet Secretary.
Samantala, tuloy-tuloy naman ang trabaho ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa araw na ito.
Batay sa abiso ng Palasyo, inspeksiyon ng mga proyekto na isinasagawa sa lalawigan ng Bulacan ang aktibidad ng Chief Executive ngayong September 21.