Hindi kailangang maging marahas o may pananakit ang mga nakakasang kilos protesta ngayong araw, September 21.
Ito ang inihayag ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro sa harap ng mga pagkilos na inaasahan.
Ayon kay Castro, malayang makapagpapahayag ang iba’t ibang grupo ng kanilang sentimyento at hindi naman aniya sila pipigilan sa pagsasabi ng kanilang saloobin.
Sana lang sabi ni Castro ay wala ng karahasan pang mangyari lalo’t bukas naman ang pakinig ng pamahalaan pati na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga panawagan ng mga magsasagawa ng kilos protesta.
Kaugnay nito ay tiniyak ng Palasyo na handa ang hanay ng Philippine National Police (PNP) para bantayan ang mga rally site at masiguro na magiging mapayapa ang mga inaasahang demonstrasyon ngayong araw.