Babala Sensitibong Artikulo.
Mga magulang ng mga kabataang involved sa Online na grupong True Crime Community kasama sa pinapanagot ng awtoridad.
Napatunayan, batay sa imbestigasyon, na ang mga kabataan na gumagawa ng karahasan ay kasapi ng online group na True Crime Community, ayon kay South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr. sa panayam ng Radyo Pilipinas World Service.
Dahil dito aniya nagsagawa ng mga pagaresto sa ilang mga kabataan upang matiyak ang kani-kanilang pananagutan.
Ayon pa kay Governor Tamayo, isang 18 taong gulang at na-file-an na ng kaso, samantalang isang 16 years old naman ang nahuli nitong linggo ng gabi sa pinag-sanib ng pwersa ng local at national government kabilang na ang Regional Office ng PNP.