Photo courtesy of Patrick de Jesus, PTV
Pinangunahan ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang pagbubukas ng Joint Cooperative Activity ng Pilipinas at Japan.
Gayundin ang Future Leaders Program na bahagi ng ASEAN Defense Ministers Meeting ngayong araw sa Subic, Zambales.
Dito, kinilala ni Teodoro ang mahalagang papel ng Japan bilang alyadong bansa ng Pilipinas para sa pagpapatatag ng seguridad sa rehiyon ng Indo-Pasipiko.
Kaniya ring binigyang diin ang kolaborasyon at pagtutulungan sa pagtugon sa iba’t ibang banta gaya ng kalamidad at epekto ng climate change.
Bukod dito, mahalaga ang pagkakaisa ng mga banta sa rehiyon para harapin ang mga hamon partikular na ang paggigiiit sa karapatan at soberaniya sa karagatan.
Naniniwala si Teodoro na sa pamamagitan nito, lalo pang mapagtitibay ang kooperasyon ng bawat bansa sa ASEAN para harapin ang mga nagbabagong hamon sa katatagan ng rehiyon.
Hindi lumahok ang China sa nasabing pagtitipon subalit ilang non ASEAN countries ang sumama rito gaya ng Japan, Australia, New Zealand, South Korea, Russia at India.