Opisyal nang inilunsad ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang eGovAI, isang bagong intelligent feature ng eGovPH Superapp, na layong gawing mas madali at mabilis ang pag-access ng mga Pilipino sa government services.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Cabinet Secretary Benhur Abalos Jr. na patuloy ang pag-unlad at paghusay ng mga serbisyo ng pamahalaan dahil sa technology advancement kasama na rito ang paggamit ng artificial intelligence o AI.
Aniya isa itong paraan upang mas maging accessible sa bawat Pilipino ang inobasyon tungo sa mas makabagong gamit ng teknolohiya.
Paalala pa ni Abalos na dapat ding isapuso ng bawat Pilipino na ang paggamit ng AI ay hindi lisensiya para mawala na ang kakayahang humusga kundi upang linangin lang ito at hasain pa.