Hindi dapat palagpasin ng Pilipinas ang ginawang pagbangga ng Chinese Coast Guard vessel sa barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) habang nagbibigay ng fuel supply sa mga mangingisdang pumapalaot sa West Philippine Sea (WPS).
Ayon kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., bukod sa tahasang paglabag ito sa mga itinatakda ng International Law, itinuturing niya na isang krimen ang ginawang ito ng China.
Dahil dito, nakatakdang bumalangkas ng ulat ang security cluster ng pamahalaan para isumite kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. hinggil sa tila, sinasadya nang panggigipit ng naturang bansa.
Kasunod nito, nagpahayag ng pangamba si Teodoro dahil sa palapit na ng palapit sa kalupaan ng Pilipinas ang tahasang panggigpit ng China sa mga Pilipinong naglalayag sa sarili nitong karagatan.
Magugunitang binangga ng barko ng Chinese Coast Guard (CCG) ang barko ng BFAR sa layong 100 nautical miles mula sa Palawan noong September 18 na malinaw na nasa loob ng territorial waters ng bansa.