Nakatakdang humarap bilang testigo si Public Works Secretary Vince Dizon sa Sandiganbayan ngayong araw, September 23.
Ito ay para sa graft trial laban kay dating Rep. Zaldy Co at iba pang akusado kaugnay ng umano’y anomalya sa ₱289-milyong flood control project sa Oriental Mindoro.
Ayon sa Sandiganbayan Fifth Division, nakatakda ang testimonya ni Dizon ngayong alas-8:30 ng umaga.
Ang kaso ay nag-ugat sa road dike project sa Naujan, Oriental Mindoro na nadiskubreng may structural deficiencies.
Una na ring humarap sa pagdinig ang tatlong testigo ng prosekusyon sa kaso kabilang ang cashier officers mula sa DPWH MIMAROPA Regional Office.