Tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) na gumagawa ng mga hakbang ang pamahalaan upang maibsan ang epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa mga nasa sektor ng transportasyon.
Ito’y ayon kay Transportation Secretary Giovanni “Banoy” Lopez ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na kagyat na tugunan ang pangangailangan ng mga manggagawa sa transportasyon gayundin ang mga komyuter
Dagdag pa ng Transport Chief, tuloy-tuloy ang pagpapatupad ng mga inisyatiba ng DOTr gaya ng fuel discount at libreng toll sa mga expressway upang mapagaan ang biyahe ng mga bus operator at driver.
Patuloy din aniyang dinirinig ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga petisyon hinggil sa taas pasahe, dahil kailangang balansehin at i-konsidera ang lahat sa ano mang desisyong gagawin lalo’t bumibilis ang inflation rate.