Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tututukan nito ang psychosocial at trauma-informed care para sa mga naapektuhan ng pamamaril sa Banga National High School sa South Cotabato.
Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, mahalaga ang suporta sa mental at emotional well-being ng mga biktima.
Kabilang sa mino-monitor ng ahensya ang mga estudyante, guro at magulang.
Nakaantabay ang DSWD social workers at grief counselors para magbigay ng psychosocial services.
Nagtungo si Gatchalian sa South Cotabato upang alamin ang kalagayan ng mga apektado.
Hinimok ng DSWD ang publiko na huwag magpakalat ng larawan o video ng mga biktima, lalo na ang mga estudyante.