Kinumpirma ng Department of Agriculture (DA) na nasa magandang track na ang industriya ng pagba-baboy ng bansa bunsod ng mga interbensiyon kontra sa African Swine Fever o ASF.
Sa programang Bangon, Bayang Mahal sinabi ni DA Spokesperson Assistant Secretary Arnel De Mesa, na sa huling tatlong quarter ay patuloy na ang pagtaas ng bilang ng alagang baboy indikasyon na gumagana ang kampanya at aksiyon ng pamahalaan kontra ASF.
Sa kabila nito ay malaki pa rin ang hahabulin ng bansa dahil mula sa dating average 12 to 13 million heads ay bumaba ang populasyon ng baboy sa bansa na ngayon ay nasa 9 million na lang.
Pagdating sa presyo ng baboy ay wala namang dapat ipangamba dahil sapat ang suplay nito gayundin ang imports.
Nananatili ring normal ang suplay ng manok na pinataas pa ng imports kaya wala ring aasahang taas-presyo rito.
Posible lang umanong magkaroon ng ilang adjustments bunsod ng mataas na presyo ng langis na magpapataas naman sa transport cost ng mga agri produce.