Photo courtesy | Cambodian Prime Minister Hun Manet Facebook Page
Iginiit ng punong ministro ng Cambodia na hindi magiging kanlungan ng mga online scam syndicate ang kanilang bansa.
Sa isang international anti-fraud summit sa Phnom Penh, sinabi ni Prime Minister Hun Manet na determinado ang kaniyang pamahalaan na labanan ang mga organisadong grupong sangkot sa online fraud at iba pang transnational crimes.
Ayon sa lider ng Cambodia, hindi dapat gamitin ng mga kriminal ang teritoryo ng bansa bilang base para sa kanilang mga operasyon.
Nanawagan din ito ng mas malawak na international cooperation, lalo na sa pagbabahagi ng intelligence at impormasyon para matukoy at mapanagot ang mga nasa likod ng scam networks.
Sinabi naman ng mga awtoridad na nagpapatuloy ang kanilang operasyon laban sa mga naturang pasilidad.
Layunin ng summit na palakasin ang koordinasyon ng mga bansa laban sa lumalawak na online fraud.
Dumalo sa summit ang mga kinatawan mula Estados Unidos, China at iba pang mga bansa maging mga international organization.