Nanumpang maging testigo si Public Works Secretary Vince Dizon laban kay Congressman Zaldy Co at iba pang dating opisyal ng DPWH na umano’y sangkot sa substandard flood control project sa Oriental Mindoro.
Ang nasabing flood control project ay dapat sana’y nakatutulong upang maibsan ang pagbaha sa probinsya.
Nanumpa si Dizon ngayong araw sa 5th Division ng Sandiganbayan kaugnay ng kasong graft laban kay dating Congressman Zaldy Co at iba pang mga sangkot.
Ito ay bilang tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na linisin ang ahensya.
Patuloy ang pakikipagtulungan ng DPWH sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno upang mapanagot ang mga tiwaling kawani na sangkot sa maanomalyang paggamit ng pondo ng bayan.