Pangungunahan ni House Prosecutor at senior deputy minority leader Representative Leila de Lima ang oral arguments ng House Prosecution Panel, ngayong araw.
Ito ang kinumpirma ni House lead prosecutor at Batangas Rep. Gerville Luistro.
Pakikinggan ng Senator-judges ang argumento ng magkabilang panig ukol sa voting threshold/ kung mananatili bang batayan ng 2/3 votes ang 24 na bilang ng senador o babaguhin sa kung depende lamang kung sino ang nakakadalo sa paglilitis.
Maalalang pinakinggan ng impeachment court ang opinyon ng apat na retiradong Mahistrado ng Korte Suprema (SC) tungkol sa usaping ito.
Base sa amicus curiea na sina dating SC Chief Justices Hilario Davide Jr., Artemio Panganiban, at Reynato Puno ang kinakailangang two-thirds vote ay dapat ibase sa mga senador-hukom na aktibong lumalahok sa paglilitis habang tanging si dating Associate Justice Adolf Azcuna lamang ang nagpahayag na ang two-thirds threshold ay dapat nakabase sa buong bilang ng 24 na senador.
Sa kasalukuyang 24 na senador, sina Senators Jinggoy Estrada at Rodante Marcoleta ay nasa detensyon, si Sen. Ronald dela Rosa ay nagtatago mula sa arrest warrant na inisyu ng International Criminal Court , habang si Sen. Loren Legarda naman ay kasalukuyang nasa medical leave.