Tiwala ang Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) na lilikha ang EU-Philippines Free Trade Agreement ng mga oportunidad para sa exporters, makakahikayat ng mga mamumuhunan at magpapabuti ng kakayahan ng local industries, partikular ang small and medium enterprises.
Nakikita naman ng Federation of Philippine Industries ang kasunduan na susuporta sa pagpapalawak ng manufacturing, gayundin ang mas malawak na partisipasyon ng Pilipinas sa global value chains.
Sa kabilang dako, sinabi ni Management Association of the Philippines na magbubukas ang FTA ng malaking merkado para sa Philippine products at makakahikayat ng mas maraming European investors.
Itinuturing naman ng Stratbase Institute ang kasunduan bilang mahalagang hakbang para maging mas matatag ang ekonomiya ng Pilipinas, lalo na sa hangaring mapalawak ang trade partnerships ng bansa.