Pagpapakalat ng mga tauhan sa Palawan, masusing pinag-aaralan ng Philippine Army
Masusing inilalatag ng Philippine Army ang plano nitong magpadala ng mga tauhan sa lalawigan ng Palawan.
Ito’y para suportahan ang iba pang major service ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga operasyon sa West Philippine Sea.
Ayon kay Army Chief LtGen. Donald Gumiran, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Army sa mga kapatid na service units nito gaya ng Navy at Air Force para maisakatuparan ang naturang plano.
Mangangailangan kasi aniya ito ng paggamit ng logistics at resources nang hindi nakaaabala sa nagpapatuloy nilang operasyon.