Screengrab from The White House on YouTube
Personal na sinalubong ni U.S. President Donald Trump si Chinese President Xi Jinping sa Washington sa gitna nang pagsisikap ng dalawang pinakamalaking ekonomiya sa mundo na makamit ang bagong kasunduan sa kalakalan.
Ayon sa ulat ng Reuters, inaasahang magiging sentro ng pagpupulong ang pagpapalakas ng trade relations ng Estados Unidos at China.
Kabilang ang mga usapin ng taripa, access sa merkado at suplay ng rare earth minerals na mahalaga sa paggawa ng electronics, sasakyan at iba pang high-tech na produkto.
Inaasahan ding pag-uusapan nina President Trump at President Xi ang artificial intelligence at mga restriksyon ng Estados Unidos sa pag-export ng advanced technology sa China.
Samantala, maaari ring ilatag ng Beijing ang mga alalahanin nito sa Taiwan at isyung may kaugnayan sa relasyon ng dalawang bansa.
Mahalaga ang pulong dahil ang ano mang kasunduan ng dalawang lider ay maaaring makaapekto sa pandaigdigang kalakalan, supply chains, at ekonomiya.