Nilinaw ng House Prosecution Panel na ang pagboto ni Senato-judge Mark Villar upang baguhin ang batayan ng two-thirds voting threshold ay hindi nagbibigay-kahulugan sa kanyang pinal na hatol.
Tanging si Villar na kabilang sa minority bloc ang nakiisa sa botohan noong Miyerkules na nagpatibay ng bagong pagtukoy ng kinakailangang two-thirds para sa hatol sa impeachment.
Ayon kay House lead prosecutor at Batangas Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro, hiwalay ang posisyon ni Villar sa usapin ng threshold sa final verdict.
Sa ilalim ng naging pasya ng hukuman sa impeachment, ang kinakailangang dalawang-katlong boto ay hindi na awtomatikong ibabatay sa buong bilang ng 24 na miyembro ng Senado.
Sa halip, ang gagamiting denominator sa panahon ng hatol ay ang mga senador na nananatiling may kakayahang legal at pisikal na lumahok sa mga paglilitis.
Para naman kay House Committee on Human Rights Chairperson at Manila Rep. Bienvenido “Benny” Abante Jr. hindi siya nagulat sa pakikilahok ni Villar sa botohan.
Ayon kay Abante, independyenteng hinarap ni Villar ang botohan kumpara sa kanyang mga kasamahan na piniling hindi sumali.
Iginiit naman ng prosekusyon na dapat magpasiya ang senador-judges batay sa mga ebidensyang iniharap sa paglilitis.