Tiniyak ng Department of National Defense (DND) sa provincial at local leaders ang kaunlaran na siyang susuporta upang ganap na makamit ang pangmatagalang kapayapaan sa Sulu.
Ginawa ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang pahayag nang ideklara nang “MAPAYAPA” ang lalawigan sa makasaysayang seremoniya na isinagawa sa Capitol Gymnasium sa bayan ng Patikul.
Kahapon, sama-samang lumagda ng isang Memorandum of Agreement (MoA) ang mga opisyal ng mga Lokal na Pamahalaan, Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), at Philippine Coast Guard (PCG) para panatilihin ang seguridad at kapayapaan sa lalawigan.
Ayon sa kalihim, ito ang pinakamagandang regalo ng mga magulang sa kanilang mga anak at apo gayundin ay hamon para mapanatili ang mga naging tagumpay para matamo ang pangmatagalang kapayapaan.
Una rito, inihayag din ng mga Lokal na opisyal doon na ibinaba na ng mga combatant ang kanilang mga armas dahil nais na nilang matamasa ang tagumpay, kapayapaan, gayundin ang kaunlaran.
📸 DND


