Nakataas na ang Blue Alert Status sa Disaster Response Command Center o DRCC ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil sa banta ng bagyong Queenie.
Bilang bahagi ng paghahanda, patuloy na naka-preposition ang relief resources at standby funds ng ahensya.
Ayon sa DSWD, aabot sa mahigit 3.48 milyon ang nakaimbak nitong Family Food Packs o FFPs at nasa ₱2.44 bilyong standby funds, bukod pa sa karagdagang relief stocks sa mga Disaster Resource Centers at Field Office.
Handa ang mga ito para sa augmentation support sa mga local government unit (LGUs) na maaaring maapektuhan ng bagyo.
Patuloy namang mino-monitor ng DRCC ang sitwasyon at nakikipag-ugnayan sa concerned national government agencies, LGUs, at DSWD Field Offices para matiyak ang mabilis at maayos na pagtugon.
Nakaalerto rin ang lahat ng field offices para sa agarang mobilisasyon ng Quick Response Teams, activation ng evacuation camp operations, pamamahagi ng food at non-food items, at deployment ng disaster response vehicles at equipment kung kinakailangan.