Mararamdaman na ng mga konsyumer sa darating na Nobyembre ang bawas-singil sa kuryente matapos maglabas ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng Revenue Memorandum Circular No. 97-2026 noong Setyembre 14, 2026.
Sa ilalim nito, tuluyan nang tinanggal ang 12% Value-Added Tax o VAT sa allowable system loss charge na pasok sa cap ng Energy Regulatory Commission (ERC).
Layunin nitong mabawasan ang buwanang gastos ng mga konsyumer sa kanilang kuryente.
Dahil dito, tinatayang aabot sa ₱20 hanggang ₱30 ang natatanggal na VAT component ng system loss charge.
Para naman sa isang karaniwang pamilya o household na kumokonsumo ng 200 kWh kada buwan, posibleng umabot sa hanggang ₱20 ang kanilang matitipid.
Sa kabila nito panawagan pa rin ng mga konsyumer na magkaroon pa ng iba pang hakbang upang mas mapababa pa ang presyo ng kuryente sa kabila na rin ito ng nararanasang pag-sipa sa presyo ng produktong petrolyo.