Puspusan ang pagtutulak ngayon ng Mindanao Development Authority (MinDA) upang mas mapabilis ang mga programa at proyekto sa ilalim ng Mindanao Development Corridors initiative na itinutulak katuwang ang BIMP-EAGA.
Ayon kay MinDA Chairperson, Secretary Leo Tereso Magno, bukod sa Palawan ay Mindanao talaga ang tinukoy ng BIMP-EAGA na isa sa pinaka-malaking growth area dahil sa laki ng potensiyal nito.
Hirit ni Magno na kung susumahin ay papalo pa lang sa 20 porsiyento ang nata-tap na potensiyal ng Mindanao dahil hindi pa talaga nagagamit para i-utilize ang likas yaman nito.
Kaya naman seryoso umano ang mga mamumuhunan na buhusan ng pondo ang Mindanao upang makabuo ng mga pangunahing imprastraktura, daanan, seaports ar airports para sa mas mabilis na trade facilitation.
Sa ngayon, tiyak nang payapa ang rehiyon ng Mindanao kaya maigting na ang pagsusulong ng pamahalaan sa developmental initiatives upang totoong maka-abante na ang ekonomiya at mga industriya sa Mindanao.