Photo courtesy of Department of Finance (DOF)
Binigyang-diin ng Department of Finance (DOF) na nananatiling bukas ang iba’t ibang industriya sa bansa para sa pamumuhunan mula sa mga dayuhang investor.
Ayon kay Finance Secretary Frederick Go patuloy ang pagtaas ng investment registration approvals ng bansa mula taong 2024 hanggang 2025 at ngayong taong 2026 inaasahang mas tataas pa ito.
Ilan nga sa mga industriyang maaaring ikonsidera ng mga mamumuhunan ay ang airline, shipping, telecommunications, renewable energy, rails and subways at roads and expressways.
Kabilang din sa mga top investment destination ng bansa ang electronics, semiconductor space, critical minerals, at clean energy.
Sa ngayon, patuloy pa rin ang panghihikayat ng economic team ng bansa sa mas marami pang investor upang mas mapasigla ang economic activity ng bansa.