Tuloy-tuloy lang ang pagpapalawak ng pamahalaan partikular ang Department of Health (DOH) sa mga ospital at medical facility na maaaring magamit ang Zero Balance Billing at Medical Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Patiesnt o MAIFIP program.
Sa panayam ng programang BOSES kay DOH Spokesperson, Assistant Secretary Tagumpay Maniquis sinabi nitong kasado na sa susunod na linggo ang kanilang dayalogo sa mga pribadong ospital upang mas maging maginhawa ang access ng mga Pilipino sa Zero Balance Billing at MAIFIP program.
Sa ngayon nasa mahigit walong milyong Pilipino na ang nakinabang sa Zero Balance Billing at MAIFIP simula ng ipatupad ito alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Sumampa naman sa 145 na ospital ang nagpapatupad na ng zero balance billing at MAIFIP program kung saan 85 dito ay DOH Hospitals, apat na GOCC medical facility, at iba pang partner hospitals ng DOH.