Panibagong milestone ang nakamit ng probinsya ng Sulu pagdating sa peace efforts nito ito’y kasunod ng deklarasyon ng Stable Internal Peace and Security (SIPS) condition sa lugar.
Ayon kay Sulu Governor Abdusakur Tan the second isa itong testament na tagumpay ang mga hakbang na isinagawa nila upang maisakatuparan ang kapayapaan sa tulong na rin ng pamahalaan at ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Bunsod nito ay kumpiyansa ang Sulu na unti-unti na ring tataas ang turismo sa kanilang lugar na lalo pang magpapasigla ng kanilang ekonomiya.
Ibinida rin ng Gobernador ang mga nakabibighaning tourist spots sa Sulu mula white sand beaches hanggang sa ipinagmamalaki nilang Sulu hospitality.