Inilunsad ngayon ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang TUGON o “Tulong sa Umiigting na Gastusin at Obligasyon Natin” Store para makatulong sa mga pamilya na makatipid sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
Sa ilalim ng programa, maaaring makabili ng abot-kaya at de-kalidad na mga pangunahing bilihin sa TUGON Tulong Store.
May rice subsidy o diskwento rin para sa mga kwalipikadong benepisyaryo ang mga Senior Citizen, Persons with Disabilities (PWDs), Solo Parents, at mga benepisyaryo ng 4Ps, matapos ang validation.
Hanggang 10 kilo ng bigas ang maaaring bilhin ng bawat kwalipikadong benepisyaryo.
Bukas ang TUGON Tulong Store hanggang sa Sabado, September 26 sa Valenzuela City Peoples Park.
