Inaasahang matatanggap ngayong linggo ng transport cooperative sa Iloilo ang buwanang tulong-pinansyal mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Sa sandaling matanggap ng Western Visayas Transport Cooperative ang ayuda ay made-deploy nito ang kanilang 95 modernized jeepney na apektado ng oil price hike.
Ayon kay Boyet Parcon, chair ng kooperatiba, bahagi ng tulong ay ilalaan sa employee benefits, tulad ng kontribusyon sa PAG-IBIG Fund, Social Security System at PhilHealth.
Plano rin ng kooperatiba na magtayo ng diesel reserves na magsisilbing buffer sakaling matapos ang pamamahagi ng tulong pamahalaan.
Inaasahang nasa 1,500 modernized jeepneys sa Western Visayas Region ang makikinabang sa monthly assistance ng pamahalaan.