Lumagda ngayong Lunes, September 28, ang Department of Justice (DOJ), Bureau of Customs
(BOC) at National Bureau of Investigation (NBI) sa isang tripartite agreement para palakasin ang koordinasyon ng mga ahensya laban sa agricultural economic sabotage.
Isinagawa ang ceremonial signing sa DOJ Justice Hall sa Ermita, Maynila.
Layunin ng kasunduan na mapahusay ang inter-agency coordination sa pag-iimbestiga at pagpapatupad ng batas laban sa mga gawaing nakaaapekto sa suplay, presyo at seguridad ng mga produktong agrikultural.
Bahagi ito ng pinaigting na hakbang ng pamahalaan laban sa smuggling, hoarding at iba pang uri ng agricultural economic sabotage.