Muling ipinatupad ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang suspensyon sa excise tax sa liquefied petroleum gas (LPG) at kerosene, alinsunod sa Executive Order No. 125.
Umabot sa USD$99.41 kada barrel ang average Dubai crude oil price, lampas sa USD$80 threshold.
Dahil dito, suspendido ang excise tax sa LPG, maliban sa ilang gamit nito sa industriya.
Suspendido rin ang excise tax sa kerosene, maliban kung gagamitin bilang aviation fuel.
Ayon kay BIR Commissioner Charlito Martin Mendoza, babalik ang regular tax rates kapag bumaba sa 80 dolyar ang presyo, o makalipas ang tatlong buwan, alinman ang mauna.
Nauna nang ipinatupad ang kaparehong suspension noong Abril at itinigil noong Hulyo.