Nakapagsampa na ng criminal complaint sa DOJ National Prosecution Service ang Philippine Coast Guard laban sa kapitan ng nasunog na barkong MV June Aster na si Captain Roel Sarmiento.
Ayon kay PCG Commodore Spokesperson Noemi Cayabyab, patungkol ang kaso sa falsicification of public document sa master declaration of safe departure na isinumite ng kapitan sa boarding team.
Ito’y matapos lumabas na anim sa mga pasaherong nakalista ay hindi nakasakay at may mga insidente ng double entry.
Ayon kay Cayabyab, kasalukuyan nang isinasailalim sa evaluation ng DOJ ang reklamo at oras na makitaan ng sapat basehan ang kaso, ida-docket ang reklamo at pormal na isasailim sa preliminary investigation.
Nasa case build-up na rin aniya ang PCG para sa iba pang criminal complaint at naghihintay ng forensic result.
Gumugulong na rin aniya ang maritime at marine casualty investigation at hinihintay na nila ang resulta ng imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection kaugnay nito.
Paglilinaw naman ni Cayabyab, magkahiwalay ang isinasagawa nilang imbestigasyon sa MARINA.
Pagtitiyak nito, tinitingnan nila ang lahat ng anggulo para matukoy ang sanhi ng sunog sa barko.
Sa pinakahuling datos, 43 ang nakaligtas sa insidente (13 crew and 30 passengers); nasa 77 ang nasawi (1 crew; 5 passengers; 71 unidentified); habang walo (8) ang nawawala (3 crew and 5 passengers)
Sa kabuuan, 128 ang sakay ng barko.