Humiling ang Bureau of Customs (BOC) ng Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) laban sa 13 indibidwal na nahaharap sa mga reklamong kriminal kaugnay ng agricultural products smuggling.
Kasunod ito ng pagsasampa ng mga reklamong kriminal sa Department of Justice (DOJ) noong September 24.
Layon nitong imbestigahan ang anim na shipment na nakapangalan sa Berches Trading.
Matatandaang idineklara ang mga shipment bilang “chicken lollipops,” ngunit nang suriin ay nadiskubreng naglalaman sibuyas at mga carrots na walang regulatory clearance requirement
Kabilang sa hiningian ng ILBO ang may-ari at mga kinatawan ng importer, ang lisensyadong customs broker nito, at siyam na opisyal at empleyado ng BOC na inuugnay sa nasabing mga shipment. | ulat ni DK Zarate