Umabot sa 8,643 na tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang idineploy ngayong araw para sa ikalawang araw ng tigil-pasada ng ilang grupo ng transportasyon.
Ayon kay PNP Spokesperson PCol. Allen Rae Co, nakakalat ang mga pulis sa iba’t ibang lugar para magbantay sa seguridad.
Ngayong araw ng Martes, nasa 11 rally ang na-monitor na ng PNP, kung saan umabot sa 275 indibidwal ang nakibahagi.
Hanggang sa ngayon, wala pang naiulat na mga untoward incidents kaugnay sa tigil-pasada.
Samantala, sinabi ni Co na naglaan na rin sila ng mga sasakyan para sa libreng sakay ng mga apektadong pasahero. | ulat ni Diane Lear