Napanatili ng San Lazaro Hospital ang pagbaba ng mga kaso ng leptospirosis.
Batay sa datos mula August 17-September 28, nasa 829 leptospirosis patients ang na-admit sa ospital.
Pumalo sa 50 cases ang daily admissions nitong August 26, na sinundan naman ng kabuuang downward trend sa mga sumunod na linggo.
Ayon sa ospital, batay sa huling trend, bumaba ang admissions para sa leptospirosis mula September 3 to 28, kumpara sa peak period na may occasional fluctuations.
Samantala, hanggang kahapon, naitala sa ospital ang 41 nasawi dahil sa leptospirosis.
Nananatili namang nakabantay at nakahanda ang ospital sa kabila ng pagbaba ng hospital admissions.