Photo courtesy of Rep. Miro Quimbo
Nanawagan si Marikina 2nd District Representative Miro Quimbo sa mabilis na pagpasa ng panukalang nag-aalis ng travel tax bago ang holiday rush.
Ayon kay Quimbo, makatutulong ito para mabawasan ang gastos ng mga pamilyang bibiyahe sa ibang bansa para magbakasyon o bumisita sa mga kamag-anak.
Sa kasalukuyan, nasa P1,620 ang travel tax para sa pasaherong nagbabayad ng full economy-class rate.
Para sa pamilyang may apat na miyembro, aabot sa P6,480 ang maaaring matipid kung tuluyang aalisin ang buwis.
Pinagtibay na ng Kamara sa third at final reading ang House Bill No. 8464 o Travel Tax Abolition Act of 2026 noong Marso 16 at nananatiling nakabinbin sa Senado.
Kabilang ito sa mga priority measure ng Legislative-Executive Development Advisory Council o LEDAC.
Pinatitiyak naman ni Quimbo na dapat at mapalitan ang mawawalang pondo na nakalaan para sa turismo, edukasyon at mga programang pangkultura na kasalukuyang sinusuportahan ng travel tax.