Photo courtesy of Department of Transportation (DOTr)
Handang suportahan ng Canada ang pagpapalakas ng maritime transport sector ng Pilipinas.
Ito ang sinabi ni Transportation Secretary Giovanni Lopez makaraang makausap si Canadian Ambassador to the Philippines David Hartman tungkol sa posibleng areas of cooperation ng dalawa.
Nangyari ang pulong matapos ipag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Transportation (DOTr) na palawakin ang pagtutulugnan sa ibang bansa para suportahan ang pagpapaunlad at modernisasyon ng transportation system ng Pilipinas.
Aniya, interesado ang Canada na suportahan ang maritime sector ng Pilipinas at ang Philippine Coast Guard, partikular ang maritime domain awareness, port modernization at disaster resilience.
Tinukoy ni Lopez ang kahalagahan ng international partnerships sa gitna ng pagsisikap ng Pilipinas na i-modernize ang transportation networks at pagbutihin ang connectivity.