Mosyon na alisin si dating DPWH Sec. Bonoan sa graft case, ibinasura ng Sandiganbayan
Ibinasura ng Sandiganbayan 2nd Division ang motion for reconsideration ng prosekusyon na alisin si dating DPWH Secretary Manuel Bonoan bilang akusado sa kasong graft kaugnay pa rin ng umano’y flood control kickback scheme.
Ang desisyon ay inihayag sa pre-trial conference ng graft case laban kay Bonoan at Sen. Jinggoy Estrada.
Dahil dito, mananatili si Bonoan bilang akusado sa kaso.
Matatandaang una nang inalis ng Sandiganbayan 5th Division si Bonoan bilang akusado sa hiwalay na ₱573-milyong plunder case at isa pang graft case.