Ipinunto ng Anti-Violence Against Women and Children Division ng PNP Women and Children Protection Center (PNP-WCPC) na pinaka-unang dapat matutukan ng mga paaralan ang pagkakaroon ng sistematikong reporting system.
Sa panayam ng Mark In, Mark Out kay PNP Women and Children Protection Center, Anti-Violence Against Women and Children Division Chief Police Col. Andree Deedee Abella sinabi niyang dapat agad na maipaalam sa awtoridad ang nangyayaring insidente o karahasan sa paaralan upang agad itong marespondehan.
Oras kasi na magkaroon ng tinatawag na kapabayaan sa insidente ay posibleng ang maliit na gusot ay lumaki pa at lalong mawala na sa kontrol.
Ani Abella, bagamat malaki ang magiging papel ng Pulisya bilang first responders ay makabubuti na kung sa school level pa lang ay matiyak na ang kaayusan at maagapan ang mga instigators o catalyst ng karahasan tulad ng bullying at ilan pang outside influences.
Dagdag pa ng Police official na may na-establisa naman nang guidelines o system naman sa mga schools tulad ng Child Protection Policy pagdating sa interaksiyon ng school personnel sa mga bata.
Kung sakaling natatakot at nakararamdam pa rin ng pangamba ang mga estusyante o kahit pa magulang ay puwede silang lumapit sa mga police station dahil may Women and Children Protection Desk/Center at may 24/7 helpline na pwedeng tawagan at makipag-coordinate: 09209071717 at 09197777377.