Photo courtesy of Department of Education (DepEd)
Epektibo sa susunod na taon ang bagong pamantayan ng Department of Education (DepEd) para matiyak na madaling mapuntahan at magamit ng mga person with disability (PWDs) ang mga bagong pampublikong paaralan.
Sang-ayon ito sa DepEd Order 22 of 2026 kung saan nakasaad ang pagtatatag ng Enhanced Minimum Performance Standards and Specifications for Public Schools.
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, alinsunod ito sa layunin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na inclusive learning environment, kung saan titiyakin ng mga pamantayan na marerespeto ng mga eskwelahan ang dignidad ng mga estudyante, mapoprotektahan ang kanilang kalusugan, at tatanggapin ang bawat Pilipino nang walang itinatangi.
Kabilang sa standards ang maayos na airflow, ergonomic seats, at barrier-free pathways.
Bukod sa pagiging fully PWD-accessible ng mga bagong public school, kailangan din maging climate-resilient at idinisenyo para sa maayos na pagkatuto ng mga estudyante.