Photo courtesy of Executive Secretary Ralph Recto Facebook
Sa gitna ng pagsusulong ng Administrasyon ukol sa transparency at accountability sa pera ng taongbayan ay isang Executive Order ang nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Sa pamamagitan ng EO 126 na pinirmahan nitong nagdaang September 28 ay pinagtibay ang pagkakaroon ng Centralized Open Monitoring Platform for Appropriations and Spending Statistics (COMPASS).
Ang COMPASS ay isang centralized platform para masundan kung saan napupunta ang pondo ng bayan, paano ito ginugugol at upang masusubaybayan ang mga proyekto ng pamahalaan.
Ayon kay Executive Secretary Ralph Recto, dapat lang na maging malinaw kapag ang pinag- uusapan ay pera ng mamamayan.
Dapat ani Recto ay hindi mahirap alamin kung magkano ang inilaan, saan ginastos, at ano ang naging resulta ng government funds na mula sa ibinabayad na buwis.
Itinatakda din ng EO 126 na magsumite ang national government agencies kasama ang GOCC at government financial institutions ng kanilang regular update at i-publish ang mga kinauukulang impormasyon sa COMPASS portal.