Nagkaloob ang Malabon City Government ng 30 Push-to-Talk over Cellular (POC) radiophones sa Malabon City Police Station para mapalakas ang komunikasyon at emergency response ng mga pulis.
Pinangunahan ni Mayor Jeannie Sandoval ang turnover ng mga kagamitan, na gagamitin para sa mas mabilis na koordinasyon, pagpapalitan ng impormasyon, at pagtugon sa mga insidente.
Ayon sa alkalde, mahalaga ang mabilis at maayos na komunikasyon sa pagpapanatili ng kaligtasan at seguridad ng mga residente.
Inaasahang makatutulong ang mga radiophone sa real-time communication ng mga police personnel sa field, lalo na sa mga operasyon at sitwasyong nangangailangan ng agarang pagtugon.
