Itinaas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang kanilang pagtataya sa inflation para sa taong 2027 sa anim na porsyento (6%), mas mataas kaysa sa naunang forecast na 5.4 porsyento.
Ayon sa BSP, ang hakbang na ito ay bunsod ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado, dagdag-pasahe, at banta ng El Niño sa suplay ng pagkain.
Sa kabila nito, pinanatili ng BSP ang kanilang average inflation projection para sa 2026 sa 6.1% habang inaasahan namang bababa ito sa 3.3% 2028.
Ayon kay BSP Deputy Governor Zeno Ronald Abenoja, isinama na ang mga numerong ito sa pagpapasya ng Monetary Board sa pinakahuling 50-basis-point na pagtaas ng interest rate.
Paliwanag pa ni Abenoja, posibleng umakyat pa lalo ang inflation sa huling quarter ng kasalukuyang taon at manatiling mataas sa mga unang buwan ng 2027 bago unti-unting lumapit sa target ng BSP na 3% sa 2028.
Dahil sa patuloy na banta ng pagtaas ng presyo, nagpasya ang Monetary Board na itaas sa 50 basis points ang target reverse repurchase (RRP) rate ng bansa, kaya’t nasa 5.50% na ito ngayon.
Ito na ang pinakamalaking pagtaas ng interes ng BSP sa loob ng mahigit tatlong taon upang tugunan ang matinding pressure ng inflation sa ekonomiya